![]() |
Imahe galing sa: okaykabachan.tumblr.com |
Hugis bumbilya, may iba't ibang kulay at hindi nagsasawang umikot.
Ikaw ba? Naranasan mo na bang mag-laro ng trumpo? Kailan ka ba huling nag-laro nito?
Tayong mga pinoy ay mahilig manggaya o sumunod sa kung anuman ang uso. Tama o Mali? Ginagaya natin mga suot ng mga iniidolo, O kaya naman mga nag-tretrending.
Hugis bumbilya, may iba't ibang kulay at hindi nagsasawang umikot. Ito ay ang trumpo.
Noong bata tayo uso ang larong ito. May iba't ibang disenyo at makukulay pa, palatandaan na pagmamay-ari natin ito. At pag pinaikot, makikita mo ang kagandahan nito.
Minsan makikipag duwelo pa sila sa'yo, tapos marami pang taong nanunuod sa paligid mo, naghihiyawan at nagtatawanan.
May iba naman, hangad nilang mag-bigay ng tuwa. Gagawa sila ng iba't ibang tricks; nakalagay sa kamay o kaya sa tali, tapos tayo naman eh mamangha, sasabihing "astig" at magpapaturo pa tayo kung papaano nila ito nagawa. Pagkatapos, kinabukasan ikaw naman ang magpapakita ng tricks.
Ngayon napapangiti ka na at Tatawa pa habang binabasa mo ito. Hahaha
Diba ang sarap maging bata? Alaalang sarap balikbalikan...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento