Lunes, Enero 13, 2014

Spider sa Matchbox

Imahe galing sa: google.com

May malaki at may maliit. Merong malakas at meron ding mahina. May iba't ibang uri. Karaniwan itinatago sa isang kahon ng posporo.
Naaala mo ba itong Spider sa Matchbox? Well kung hindi, you miss half of your life!
May malaki at may maliit. Merong malakas at meron ding mahina. May iba't ibang uri. Karaniwan itinatago sa isang kahon ng posporo.
Noong bata ka pa, excited kang ipakita ung isang set ng gagamba na binili mo sa isang kaibigan sa mga kalaro mo. Kinabukasan nakita mong nalanggam yung box. Sobrang dismayado ka. Haha. Nakalimutan kasing lagyan nang tape yung box para di langgamin.
Isa sa pinakamasaya yung sabong ng dalawang gagamba. Maraming taong nakapaligid sa inyo. Nanalo ka nga, yung gagamba mo pero nanghihina. Yun pala ung gagamba ng kalaban mo eh gagamba sa bahay. haha. Pinipitik pitik pa nila yung gagamba. Minsan may napipikon, umiiyak, nag-aaway at tawa ng tawa. hehe
Ngayon napapangiti ka na at Tatawa pa habang binabasa mo ito. Hahaha
Diba ang sarap maging bata? Alaalang sarap balikbalikan…

Ang Trumpo

Imahe galing sa: okaykabachan.tumblr.com
Hugis bumbilya, may iba't ibang kulay at hindi nagsasawang umikot.
Ikaw ba? Naranasan mo na bang mag-laro ng trumpo? Kailan ka ba huling nag-laro nito?
Tayong mga pinoy ay mahilig manggaya o sumunod sa kung anuman ang uso. Tama o Mali? Ginagaya natin mga suot ng mga iniidolo, O kaya naman mga nag-tretrending.
Hugis bumbilya, may iba't ibang kulay at hindi nagsasawang umikot. Ito ay ang trumpo.
Noong bata tayo uso ang larong ito. May iba't ibang disenyo at makukulay pa, palatandaan na pagmamay-ari natin ito. At pag pinaikot, makikita mo ang kagandahan nito.
Minsan makikipag duwelo pa sila sa'yo, tapos marami pang taong nanunuod sa paligid mo, naghihiyawan at nagtatawanan.
May iba naman, hangad nilang mag-bigay ng tuwa. Gagawa sila ng iba't ibang tricks; nakalagay sa kamay o kaya sa tali, tapos tayo naman eh mamangha, sasabihing "astig" at magpapaturo pa tayo kung papaano nila ito nagawa. Pagkatapos, kinabukasan ikaw naman ang magpapakita ng tricks.
Ngayon napapangiti ka na at Tatawa pa habang binabasa mo ito. Hahaha
Diba ang sarap maging bata? Alaalang sarap balikbalikan...

Dali! Mag comment at mag-suggest, i-like at ishare na ito!